Tuesday, June 9, 2026

KONSTRUKSYON NG KAUNA-UNAHANG DIALYSIS CENTER SA DAGUPAN CITY, PORMAL NANG SINIMULAN

Nasaksihan ngayong araw ang isinagawang makasaysayang Groundbreaking at Capsule Laying Ceremony para sa itatayong kauna-unahang Dagupan City Dialysis Center na matatagpuan mismo rito sa Barangay Poblacion Oeste.

Ayon sa ulat, nasa humigit-kumulang sampung milyong piso ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa kabuuang konstruksyon nito. Target na maitayo at matapos ang gusali sa loob ng siyam na buwan bago ito pormal na buksan sa publiko.

Nakatakdang magbigay ang itatayong pasilidad ng libreng dialysis sessions para sa mga Dagupeño, partikular sa mga indigent na nangangailangan ng tulong-medikal.

Sa panayam ng IFM News Dagupan, sampu hanggang labing dalawang bagong dialysis machines ang target na ilagay para maparami ang mapagsisilbihan araw-araw.

Tiniyak naman ng LGU ang pakikipag-ugnayan nito sa mga pribadong sektor, partikular na ang mga ekspertong doktor na magiging katuwang sa pagpapatakbo ng pasilidad para maibsan ang pasanin sa pinansyal ng mga pamilyang Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments