KONSULTASYON SA MGA MARKET VENDORS AT TRICYCLE DRIVERS SA IKA-ANIM NA DISTRITO, ISINAGAWA

Isinagawa ang isang konsultasyon para sa mga market vendors at mga tricycle drivers sa ika-anim na distrito ng Pangasinan sa pamamagitan ng mga presidente at mga opisyales ng mga kanya-kanya nilang samahan.
Dininig sa ginawang konsultasyon ang ilan sa pangunahing problema sa ikinabubuhay ng mga ito sa araw araw. Pinag-usapan rin ang mga pangangailangan nila sa kanilang mga sektor.
Makakaasa naman umano ang mga ito na isasangguni at idudulog sa mga ahensya ng gobyerno na makakatulong sa kanila ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Ang konsultasyon na isinagawa ay pagbabalik rin sa sakripisyo ng mga market vendors at mga tricycle drivers para sa kanilang pamilya at sa bayan maging dahil sila ay frontliners rin noong kasagsagan ng pandemya. |ifmnews
Facebook Comments