
Inanunsyo ngayon ng North Luzon Expressway o NLEX Corporation na inaasahan na nila ang bigat ng daloy ng trapiko papasok sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ngayong araw.
Ang dahilan ay mayroong gaganaping dalawang araw na konsyerto ang K-POP group na Seventeen sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan simula January 18-19, 2024.
Base sa abiso ng NLEX Corporation, pinapayuhan ang mga dadalo sa concert na dumaan sa NLEX Ciudad de Victoria Exit.
Habang ang mga motorista naman na patungo sa Bocaue o Santa Maria ay pwedeng dumaan sa mga alternatibong ruta sa pamamagitan ng mga exit sa Marilao, Bocaue, o Tambubong.
Siniguro naman ng pamunuan ng NLEX na magtatalaga sila ng mga traffic personnel para umalalay sa NLEX-covered areas.
Facebook Comments