KONTI NALANG | 4 lang sa kada 10 Pilipino ang nag-iipon – ayon sa BSP at NEDA

Manila, Philippines – Apat lang sa kada sampung Pilipino ang nag-iipon.

Batay ito sa inilabas na pag-aaral ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Economic Development Authority (NEDA).

Ayon kay NEDA Policy And Planning Staff Dir. Reynaldo Cansio – maraming pilipino ang nasa bahay lang ang kanilang pera habang 30 percent lang ang may ipon sa bangko.


Dahil dito, target ng NEDA na ikutin ang lahat ng rehiyon ngayong Nobyembre para maglunsad ng economic and financial literacy activity.

Layon nito na turuan ang publiko ng tamang paghawak at pagpapalago ng pera gayundin ang pagpaplano para sa retirement.

Facebook Comments