KONTRA KOLORUM | LTFRB, humingi na ng tulong sa Philippine Army at PNP-HPG para palakasin ang crackdown kontra kolorum na sasakyan

59

Manila, Philippines – Hihingi ng tulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Philippine Army at PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa mga kolorum na sasakyan.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide crackdown kasunod ng nangyaring aksidente ng bus sa Occidental Mindoro na ikinasawi ng 19 na tao.

Pero paglilinaw ni LTFRB Chairman Martin Delgra – pag-assist lamang sa LTFRB ang magiging papel ng mga army at HPG police.

Nabatid na nais din ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga driver at operator na lalabag at kung manlaban ay tiyak na papatayin.

Facebook Comments