
Mananatili pa rin sa kustodiya ng Senado ang kontratistang si Curlee Discaya.
Ito’y matapos ibasura ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 498 ang petition for writ of habeas corpus na inihain ng kampo ng contractor na si Curlee Discaya para mapalaya ito sa kustodiya ng Senado.
Batay sa inilabas na desisyon ng korte, may sapat na batayan ang Senado sa paglalagay kay Curlee sa kanilang kustodiya matapos siyang ma-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee noong September 18 dahil sa pagsisinungaling sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Matatandaang umapela si Discaya ng writ of habeas corpus petition sa Pasay court noong Oktubre 8.
Facebook Comments









