Kontrobersyal na Benham Rise, hindi maituturing na teritoryo ng bansa ayon sa isang kongresista

42

Manila, Philippines – Nilinaw ni kabayan Rep. Harry Roque na hindi teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise.

 

Ayon kay Roque, ang Benham Rise ay extended continental shelf lang ng Pilipinas.

 

Ibig sabihin, mayroon lamang sovereign rights ang bansa sa Benham Rise o Pilipinas lang ang may karapatan na magsagawa ng pagsasaliksik sa likas na yaman sa lugar.

 

Pwede naman aniyang maglayag dito ang barko ng ibang mga bansa pero labag na sa batas kung magtatagal sila at lalo na kung magsasagawa ng exploration ang mga ito sa Benham Rise.

 

Ipinaliwanag din ni Roque na maaari namang magsagawa ng joint exploration ang Pilipinas at ibang bansa basta’t may dokumentong pinapayagan ito ng gobyerno na nilagdaan ng Pangulo at may basbas ng Kongreso.

Facebook Comments