KONTROLADO NA | Sunog, sumiklab sa residential-commercial building sa Binondo, Maynila

55

Manila, Philippines – Kontrolado na ang sunog na sumiklab sa isang residential-commercial building sa Binondo, Maynila.

Mag-a-alas 12:00 kaninang tanghali nang magsimula ang sunog sa Wellington building sa Taytana Street, Barangay 288.

Mabilis na kumalat ang apoy at itinaas sa ikalimang alarma alas 12:43 kanina.

Wala namang naitalang sugatan o nawawala dahil sa sunog.

Pansamantala ring isinara ang Quintin Paredes sa mga sasakyan sa Jones Bridge na papuntang Binondo at Divisoria.

Inaalam pa ng mga bumbero ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala nito.

Facebook Comments