Koordinasyon sa bawat barangay, tututukan ng bagong liderato ng PNP upang mapalakas ang kampanya kontra iligal na droga

74

Palalakasin ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang koordinasyon sa bawat barangay.

Ito ang isa sa mga istratehiyang gagawin ng bagong upong PNP Chief na si PGen. Rodolfo Azurin Jr., kasunod nang plano nitong ipagpatuloy ang giyera kontra iligal na droga sa bansa.

Naniniwala kasi si Gen. Azurin na kilala ng barangay leaders ang kanilang nasasakupan kung kaya’t mas madaling masawata ang iligal na droga.


Samantala, nais din nitong i-audit ang drug situation sa bansa.

Paliwanag ng heneral, gusto niyang malaman kung naging epektibo ba ang drug operations ng mga otoridad.

Facebook Comments