Kopya ng impeachment complaint, natanggap na ng kampo ni Chief Justice Sereno

40

Manila, Philippines – Natanggap na ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kopya ng Impeachment complaint na inihain ni Atty. Lorenzo Gadon.

Ayon kay Atty. Carlo Cruz-Spokesman ni Sereno sa Impeachment proceedings, ang Secretary General ng House Committee on Justice ang naghatid ng kopya ng reklamo sa tanggapan ng Punong Mahistrado.

Mayroon namang sampung araw ang kampo ni CJ Sereno para sagutin ang reklamo ni Gadon.

Pinaghahandaan na ng kampo ni Sereno ang kanilang depensa sa impeachment complaint.

Facebook Comments