Korean Experts, Sinuri ang Modern Abattoir ng LGU Santiago City

33

Cauayan City, Isabela- Personal na binisita ng mga Korean experts ang Santiago City Modern Abattoir katuwang ang Department of Agriculture (DA) – National Meat Inspection Service ngayong araw, Hunyo 17.

Ito ay upang magsagawa ng in-depth analysis of construction sites, pangangalap ng datos at masuri ang nasabing slaughter house bilang parte ng kanilang Feasibility study sa ilalim ng Korea Export-Import Banks Economic Development Cooperation Fund (KEXIM-EDCF).


Personal namang inilibot ni Mayor Joseph Tan sa pasilidad ang mga korean at mga kawani ng nasabing ahensya sa pangunguna ng kanilang team leader na si Dr. Jonathan Sabiniano, Planning Officer ng DA National Livestock Program.
📸LGU Santiago City

Facebook Comments