Korean fugitive, arestado sa Pampanga

Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration at ng Korean National Police Agency ang isang puganteng Koryano.

Ang Korean fugitive na si Noh Jun Ho ay naaresto sa Bgy. Cauyan, Angeles City ,Pampanga.

Batay sa record ng South Korean Embassy,si Noh ay may record sa Interpol Red Notice dahil sa paglabag sa Narcotics Control Act ng Korea.


Kinumpirma naman ng Bureau Immigration na kanselado na ang pasaporte ni Noh epektibo kahapon dahil ito ay isang undocumented alien

Dinala na sa warden facility ng Immigration sa Taguig si Noh para sa commitment order nito pabalik ng Korea.

Facebook Comments