Korean national na sangkot sa million dollar investment scam sa kanilang bansa, arestado ng immigration authorities

90

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean fugitive na wanted sa kanilang bansa dahil sa million dollar investment scam.

Kinilala ang dayuhan na si Soung Young Ho, 51 years old.


Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Soung ay ipade-deport nila dahil ito ay isa nang undesirable alien.

Nasa listahan din aniya ng Interpol red notice si Soung at ang passport nito ay nakatakda nang kanselahin ng Korean government.

Nabatid na noong June 2015, kinuhanan ni Soung ng mahigit $1.1 million ang ilan niyang kababayan sa pangakong magtatayo ito ng casino business sa Clark Field, Pampanga na hindi naman nangyari.

Facebook Comments