Koreano na may kasong murder, arestado ng Bureau of Immigration

49

Manila, Philippines – Matapos ang 16 na taon na pagtatago, naaresto ng Bureau of Immigration ang Korean fugitive na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad sa South Korea.

Kinilala ang Koryanong si Sim Sang Bum.

Nabatid na ang naturang dayuhan ay undocumented, walang valid travel document, at kasama sa Interpol red notice.

Nahuli si Bum matapos magpositbo ang intelligence information na nakuha ng mga otoridad.

Sumasailalim na sa deportation procedure ang suspek.

Facebook Comments