Koreanong biktima ng kidnapping, nasagip ng mga otoridad

Matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ang 78-yr old na Korean businessman matapos dukutin ng 10 hanggang 20 kalalakihan sa loob ng kanyang bahay sa Clark Freeport, Mabalacat City sa Pampanga nitong February 9.

Sa ulat mula kay AKG Director Col. Elmer Ragay, pwersahang pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima at nagpanggap bilang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) dala ang isang pekeng warrant of arrest upang palabasin na lehitimo ang kanilang operasyon.

Gayunpaman, mariing itinanggi ng NBI at BI ang kanilang pagkakasangkot sa insidente.


Base sa salaysay ng anak ng biktima, humingi umano ng ₱20 million ang mga suspek bilang kapalit ng pagpapalaya sa kanyang ama.

Sa patuloy na operasyon at pakikipagtulungan ng iba’t ibang law enforcment agencies, natunton at napalaya ang biktima nitong Sabado sa loob ng compound ng isang Hotel sa Clark Freeport Zone.

Iniwan siya ng mga suspek na sakay ng isang itim na sasakyan, bago tuluyang tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng AKG upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng pagdukot.

Facebook Comments