Korte Suprema, ibinasura ang mosyon ni dating Sen. Bongbong Marcos na mag-inhibit sa kanyang electoral protest si Associate Justice Marvic Leonen

1025

Ibinasura ng Korte Suprema ang mosyon ni dating Sen. Bongbong Marcos na humihirit na mag-inhibit sa kanyang electoral protest si Associate Justice Marvic Leonen.

Ayon sa Supreme Court insider, unanimous ang naging boto ng mga mahistrado ng Korte Suprema na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) at siyang dumidinig ng poll protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.


Bukod sa mosyon ni Marcos, ibinasura na rin ng Korte Suprema ang kahalintulad na mosyon ng Office of the Solicitor General (OSG).

Nauna nang naghain ng mosyon si Marcos sa PET na humihiling na mag-inhibit si Leonen sa kanyang poll protest laban kay Robredo.

Iginiit ni Marcos na hindi dapat makisali sa lahat ng mga proceedings o pagdinig sa kanyang protesta si Leonen na may well-documented bias daw laban sa kanya at kanyang pamilya.

Samantala, inatasan din ng PET ang OSG at si Manila Times Reporter Jomar Canlas na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat i-cite in contempt.




Facebook Comments