Korte Suprema, nagdeklara na rin ng work suspension bukas dahil sa Bagyong Florita

95

Walang pasok bukas ang ilang hukuman sa bansa dahil sa Bagyong Florita.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, lahat ng korte sa Vigan City, Ilocos Sur ay suspendido ang pasok.

Suspendido rin ang trabaho sa Santiago City, Isabela RTC at MTCC, Cordon-Dinapigue MCTC, at Ramon-San Isidro, Isabela MCTC.


Gayundin sa mga korte sa Lingayen, Pangasinan Hall of Justice.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ng heavy to intense rains o kaya ay torrential rains ang Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Zambales.

Facebook Comments