Korte Suprema, naghahanap na ng ibang brand ng bakuna para sa mga tauhan ng hudikatura

64

Ikinukunsidera na ng Korte Suprema ang pagbili ng ibang brand ng bakuna laban sa COVID-19.

Kinumpirma ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka kasunod ng abiso ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na hindi available ang AstraZeneca na unang planong bilhin ng Kataas-taasang Hukuman


Umaasa aniya ang Korte Suprema na sa lalong madaling panahon ay makabibili na sila ng bakuna laban sa COVID-19 lalo na’t mahalaga ang papel na ginagampanan ng korte sa panahon ng krisis.

Aniya, ang mga hukom at court personnel ay madalas nakakasalamuha ng publiko araw-araw kaya’t nais ng Punong Mahistrado na protektado ang mga tauhan ng hudikatura.

Facebook Comments