Korte Suprema, nagpaalala sa publiko hinggil sa mga nagpapapakalat ng mga pekeng dokumento

Muling nagbabala ang Korte Suprema sa publiko hinggil sa ilang indibidwal na nagpapakalat ng mga pekeng kautusan, notices at mga abiso mula sa Korte Suprema, Municipal at Regional Trial Court.

Sa pahayag ni SC Spokesperson Atty. Camille Ting, marami na silang reklamong natatanggap kung kaya’t nagpapaalala sila sa publiko tungkol dito at maiwasan na mabiktima sila saka mawalan ng pera.

Aniya, sisiguraduhin nilang mananagot ang mga nasa likod ng iligal na gawain kung saan pananagutin Din nila kung may mga kasabwat na abogado o tauhan ng korte.

Kaugnay nito, hinihimok ng Korte Suprema ang publiko na maging alerto at suriin maigi ang mga dokumento o mga anunsyo na iniaalok ng mga indibdwal na wala naman kaugnayan sa tanggapan ng Kataas-taasang Hukuman.

Sakaling may mga nakasalamuha ang publiko na ganitong uri ng iligal na gawain, maaari itong isumbong sa Judiciary Public Assistance Section (JPAS) o sa chiefjusticehelpdesk@sc.judiciary.gov.ph upang agad itong maimbestigahan.

Facebook Comments