KOTSE, BIGLANG NAGLIYAB SA BINMALEY; MGA SAKAY NITO, LIGTAS

Nasunog ang isang kotse habang bumabyahe sa bahagi ng Brgy. Biec-Manat, Binmaley, Pangasinan.

Ayon sa Binmaley Police Station, aminado ang may-ari ng sasakyan na nakaramdam siya ng kakaibang amoy bago pa man bumiyahe.

Mula Lingayen ang sasakyan at patungong Dagupan City nang masunog ito sa kalagitnaan ng biyahe.

Ligtas naman ang lahat ng sakay matapos agad na makalabas ng sasakyan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang problema sa electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Agad namang naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Binmaley ang apoy habang nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments