Kotse na minamaneho ng pulis naaksidente, pulis sugatan, pasahero patay

22

Nabas, Aklan –Patay ang pasahero at sugatan ang pulis matapos na maaskidente ang minamanehong Honda Civic kagabi sa Poblacion, Nabas, Aklan.
Ang namatay ay kinilalang si Cheron Morales, sa tamang edad at kasama sa kotse na minamaneho ni PSSgt. Elren Patriarca Ismael, 38-anyos, miyembro ng Makato PNP at parehong residente ng Purok 4, Brgy. Lagunbanwa, Ibajay, Aklan.
Base sa report ng Nabas PNP, na galing ang dalawa sa Brgy. Caticlan pauwi na sana ng Ibajay pero pagdating sa Poblacion Nabas ay nag overshoot ang kotse at bumangga sa may kongkretong letter N logo island.
Matapos ang aksidente ay mabilis namang rumesponde ang MDRRMO ng Nabas at dinala ang dalawa sa Ibajay District Hospital pero itong si Morales ay ideneklarang dead on arrival ng doktor habang si Ismael ay inilipat naman sa isang pribadong hospital dito sa Kalibo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Nabas PNP sa nasabing aksidente.

Facebook Comments