Kotse, tumagilid sa Commonwealth – drayber, sugatan

33

Manila, Philippines – Isa ang sugatan matapos tumagilid ang isang SUV sa kahabaan ng Commonwealth Avenue tapat ng UP Technohub.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Lopez na siya umanong nagmamaneho ng tumihayang kulay itim na Toyota Fortuner na may conduction sticker na BE 9555.

Ayon sa traffic sector ng QCPD, mabilis umano ang takbo ng suv at may pininahang isa pang sasakyan dahilan para mawalan ng kontrol at tuluyang sumalpok sa street light sa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng impak, halos mabuwal ang street light na gawa sa bakal.

Inaalam naman ng mga rumespondeng tauhan ng MMDA rescue team kung nakainom ang driver ng SUV.

Facebook Comments