Kotse, wasak matapos mabagsakan ng puno sa QC

Quezon City – Wasak ang isang kotse matapos na mabagsakan ng puno ng Ipil-Ipil sa Quezon City.

Dumadaan sa kanto ng Scout Gandia ang itim na toyota vios na may plakang aea – 4199 nang matumba ang puno dahil sa lakas ng hangin.

Maswerte namang hindi nabagsakan ang driver nito na si Maureen Felicio.


Bahagyang nagdulot ng pagbagal sa daloy ng mga sasakyan ang insidente.

Facebook Comments