Kris Aquino, humingi ng tawad kay Mar Roxas

Humingi na ng patawad si Kris Aquino kay dating DILG Secretary Mar Roxas.

Ito ay matapos sisihin ng TV/social media personality ang asawa ni Roxas na si Korina Sanchez kaya ito natalo kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Matatandaang binanatan din ni Kris si Korina dahil sa pag-feature niya sa kanyang Sunday magazine program ang dating asawa ni Kris na James Yap.


Ayon kay Kris – umaasa siyang magkakaayos silang dalawa ni Mar.

Nag-sorry din si Kris sa ina ni Roxas na si Judy Araneta-Roxas.

Sa ngayon, ayaw munang makipagbati ni Kris sa isa sa mga kaibigan ni Roxas na sinasabi niyang “goon”.

Facebook Comments