Kris Aquino, ibinahagi ang pagkakaroon muli ng “COVID-19 scare” matapos mag-positibo sa sakit ang isa nilang driver

280

Ibinahagi ng aktres na si Kris Aquino ang pagkakaroon niya muli ng “COVID-19 scare” matapos magpositibo ang isa nilang driver na nagmamaneho para sa kaniyang team at homeschooling teacher ng anak niyang si Bimby.

Ayon kay Kris, bagama’t nagnegatibo siya sa sakit at ang kaniyang pamilya ay hindi pa rin nawawala ang pagkatakot niya sa virus.


Paliwanag pa ng aktres, hindi ito ang unang pagkakataon nangamba sila sa pagkalat ng COVID-19 sa pamilya at team niya.

Una na rin kasi aniya nilang naranasan ito nitong kalagitnaan ng Agosto hanggang Setyembre ngunit mas maraming tao ang sangkot.

Facebook Comments