Kris Aquino – inaming may sakit na lupus

1335

Manila, Philippines – Tinawag na “baseless” at “malisyoso” ng kampo ni Kris Aquino ang mga paratang laban sa kanya ng dating katiwala na si Nick Falcis.

Sa isang video na ibinahagi sa lahat ng kanyang social media accounts, sinabi ng aktres at ng kanyang legal team na dapat ay kinasuhan na siya ni Falcis kung totoo ang mga bintang nito kabilang ang umano ay pagbabanta ni Kris sa kanya.

Tinawag din ng legal counsel ni Kris na si Atty. Sig Fortun na “palusot” ang mga paratang ni Falcis.

Kasabay nito, inamin ni kris ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan.

base aniya sa kanyang mga medical test dito sa bansa, mayroon siyang isang uri ng sakit na lupus.

sa ngayon, ang hiling lang ng aktres at makaabot siya sa 18th birthday ng kanyang bunsong anak na si Bimby.

Facebook Comments