Kris Aquino, kinasuhan na ng magkapatid na Nicko at Atty. Jess Falcis

925

Manila, Philippines – Sinamapahan na ng magkapatid na Nicko at Atty. Jess Falcis si Kris Aquino ng reklamong two counts of grave threats.

Inihain nila ang kaso sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) kung saan naging basehan ng reklamo ay ang pananakot ni Kris kay Nicko sa phone conversation nila noong September 27, 2018.

Matatandaan na naging viral ang recording ng phone conversation nina Kris at Nicko kung saan nagbanta ang aktres na ipapapatay niya ito at ang pamilya niya.

Ngunit sa isang post, sinabi ni Kris na bluff lang ang ginawa niya upang magbayad ng utang si Nicko.

Dagdag pa ng aktres na hindi naman admissible ang recording sa korte dahil hindi narinig sa recording na nagpaalam si Nicko upang marekord ito.

Facebook Comments