Kris Aquino, may surpresa para sa kanyang fans sa Mother’s Day

38

Mamimigay ang Queen of All Media na si Kris Aquino ng papremyo bilang selebrasyon sa darating na Mother’s Day.

Inanunsyo ni Kris sa kanyang social media accounts na mamimili ang kanyang team ng mga pinakamagandang sagot sa kung bakit mo mahal ang iyong nanay at kung bakit ka dapat makatanggap ng 5,000 pesos.


14 ang maswerteng mabibigyan ng 5,000 pesos sa Instagram habang 28 naman sa kanyang Facebook.

Say ng aktres, gusto niyang mapasaya ang kapwa niyang mga nanay sa darating na linggo at umaasa siyang mapupunta talaga para sa mga nanay ang makakakuha ng premyo.

Facebook Comments