Kris Aquino, nadepress dahil sa kawalan ng TV exposure

Manila, Philippines – Inamin ng TV host/actress na si Kris Aquino na dumaan siya sa takot at depresyon.

Kamakailan lang ay naglabas ng saloobin sa kanyang instagram account si Kris kung saan sinabi niya na parang nagsara na ang lahat ng pintuan sa kanya sa mundo ng telebisyon.

Kahit raw financially secured sila ng kanyang mga anak, masakit pa rin daw na hindi niya nagagawa ang mga bagay na gustong-gusto niya.


Partikular na tinukoy ng Queen of All Media ang pagho-host ng mga show.

Pero say ni Kris, unti-unti siyang bumabangon sa pamamagitan ng digital world kung saan rin daw niya unti-unting naibabalik ang kanyang confidence.

Mahigit isang taon nang hindi napapanood nang regular sa telebisyon si Kris matapos na umalis sa dati niyang istasyon.

Facebook Comments