Kris Aquino, nag-react na sa balitang nakabuntis ang anak na si Joshua

132

Nag-react na ang Queen of All Media na si Kris Aquino kaugnay sa kumakalat na balita sa kaniyang anak na si Joshua.

Kasunod ito ng inilabas na vlog ni Ogie Diaz kung saan tinatawagang pansin ang isang Pinoy showbiz channel sa YouTube, na nagpapakalat ng fake news kung saan nakabuntis daw ang anak ni Kris .


Ayon kay Kris, aminado siyang nakaramdam ng pagkagalit matapos unang mapanood ang malisyosong video.

Pinasalamatan naman nito si Ogie Diaz dahil sa pag-intindi nito sa kalagayan ng kaniyang anak na kasalukuyang may Autism Spectrum Disorders (ASDs).

Sa ngayon paliwanag ni Kris, nananatili si Joshua sa kanilang ancestral home sa Tarlac kung saan sa kwarto ng kaniyang late grandmother na si dating Pangulong Cory Aquino ito tumutuloy.

Facebook Comments