Kris Aquino, nagsalita na tungkol sa mga isyung ibinabato sa mga anak na sina Josh at Bimby

Sinagot na ni Queen of all Media Kris Aquino ang mga isyung ibinabato ng publiko sa kaniyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Ito ay matapos mabalitang nakabuntis umano ang kanyang panganay na anak habang naging tampulan naman ng tukso si Bimby kung saan tinawag itong ‘gay’ ng ilang netizen.

Ayon kay Kris, hindi siya mangmang at bulag para palampasin ang mga ganitong insidente sa kanilang buhay.


Aniya, nagkamali ang mga netizen na nambu-bully at nang-haharass sa kanyang mga anak dahil gagawin niya ang lahat para lamang protektahan ang mga ito.

Sa huli, nakiusap itong tigilan na ang kaniyang mga anak at hayaan na lamang silang mamuhay ng payapa at pribado.

Facebook Comments