Kris Aquino, nais gawing pribado ang kanyang love life

230

Showbiz – Nais ng TV host-actress na si Kris Aquino na panatilihing pribado ang kanyang love life.

Ayon kay Kris, higit 40 taon niyang isinapubliko ang kanyang buhay kung saan higit na naapektuhan ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Humiling aniya sa kanya si Bimby na hindi na siya magdadaldal kung ano ang estado ng kanyang buhay pag-ibig.


Nabatid na usap-usapan ang seryosong relasyon ni Kris kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Facebook Comments