Kris Aquino, positibo pa rin sa kabila ng kinakaharap na kondisyon sa kalusugan

Tuloy pa rin ang buhay para sa actress/host at “Multimedia” star na si Kris Aquino sa kabila ng kinahaharap nitong kondisyon sa kalusugan.

Sa kanyang Instagram, walang takot na ibinahagi ni Kris ang kanyang selfie kung saan makikitang mas malaki ang kanyang left eyeball kumpara sa kanan.

Aniya, indikasyon ito ng muling pagsumpong ng kanyang autoimmune thyroiditis, isang uri ng autoimmune disease.


Kwento pa ni Kris, unti-unti rin siyang bumabalik sa kanyang regular yoga practice para sa kanyang meditation.

Una nang na-diagnose ang “Multimedia” star na mayroong chronic spontaneous urticaria, noong 2018 at 2019 naman noong nakipaglaban siya sa isang uri ng ‘lupus’.

Facebook Comments