Kris Bernal, isa nang freelance artist

64

Inamin ni Kris Bernal na isa na siyang freelance artist matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA Artist Center.

Sa kaniyang latest vlog sa YouTube, ipinaliwanag ng aktres ang estado ng kanyang career at sinagot din niya ang ilang mga tanong sa kanyang social media accounts.

Say ni Kris, bukas siya ngayon sa paglipat sa ibang network at pagkakaroon ng bagong manager.

Ipinagdiinan din ni Kris na maayos ang kaniyang naging relasyon sa dating network at walang issue sa hindi niya pagpirma ng bagong kontrata.

Sa huli, sinabi ng aktres, ipagdadasal na lang daw niya kung saan siya dadalhin ng kanyang showbiz career.

Facebook Comments