Kris Bernal, may buwelta sa mga bashers

64

Bumwelta ang aktres na si Kris Bernal matapos umani ng pambabatikos ang kaniyang mirror selfie pagkatapos ng kaniyang workout.

Kasunod ito ng pagpuna ng mga bashers na sinabihan siya ng sobrang payat, anorexic, parang may sakit, kulang sa sustansiya, at losyang.


Sa kaniyang Instagram stories, iginiit ni Kris habang ibinabandera pa ang muscles sa kanyang upper body na tigilan na ang pagdidikta kung ano ang dapat niyang kainin dahil hindi naman sila ang kaniyang ina.

Paliwanag pa niya, mismong ang kaniyang doktor na ang nagsabing “perfectly healthy” siya at talagang mabilis lang ang kaniyang metabolism kaya hindi nadagdagan ang kaniyang timbang.

Facebook Comments