Benepisyaryo ngayon ng proyektong free Wi-Fi ang mga mag-aaral sa Alao-ao Elementary School (ALES) sa Brgy. Payac, Bangui, Ilocos Norte.
Bahagi ito ng inisyatibo ng Department of Information and Communications Technology o DICT katuwang ang United States Agency for International Development sa pagtugon sa mga suliranin pagdating sa internet access lalo na ang mga nasa remote areas o malayong mga lugar.
Mapapakinabangan ito hindi lamang ng mga estudyante maging ang mga guro upang mas gumaan ang mga schoolworks at iba pang programang pang-edukasyon.
Nagpahayag ng pasasalamat ang School Head ng paaralan at binigyang-diin ang kahalagahan ng koneksyon online upang hindi tuluyang mahuli ang mga mag-aaral at matugunan ang krisis pagdating sa global information. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments