KRITIKAL | Limang suspek sa kidnapping at isang babaeng pulis, patay sa shoot out sa Laguna

135

San Pablo City, Laguna – Kritikal pa rin ang limang tao kabilang na ang tatlong pulis at dalawang sibilyan matapos ang nangyaring shoot out sa Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat, ginagamot sa ospital ang tatlong hindi pa pinapangalanang mga pulis, kasama ang isa pang biktima na si Ronaldo Arguelles at isang sibilyan matapos na tamaan ng bala sa kani-kanilang katawan.

Nangyari ang shoot out sa pagitan ng PNP at mga armadong kalalakihan sa San Pablo City, Laguna kung saan kinidnap ng walong armadong mga kalalakihan ang si Arguelles sa bahay nito sa Candelaria, Quezon saka humingi ng ransom sa pamilya na nagkakahalaga ng P700,000.

Kaagad naman na nagsagawa ng operasyon ang pinag-isang pwersa ng PNP Candelaria, PNP San Pablo City at Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Camp Crame na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng dalawang panig.

Namatay sa insidente ang babaeng pulis na si PO1 Zarah Andal at ang limang hindi pa nakikilalang mga suspek na pawang nakasuot din ng police uniform.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang operasyon ng PNP upang malaman kung ano pa ang motibo sa pagtangay sa naturang mga biktima, maliban sa kidnapping.

Facebook Comments