KUDETA | DOJ, hiniling sa OSG na iakyat sa Court of Appeals ang kaso ni Trillanes

Manila, Philippines – Lumiham na kay Solicitor General Jose Calida si acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon para hilingin na pag-aralan ang naging pasya ni Judge Andres Soriano sa mosyon ng DOJ na ipaaresto si Senador Antonio Trillanes.

Sa nasabing liham, inilakip ni Fadullon ang pasya ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano na nagbabasura sa mosyon.

Ayon kay Fadullon, pag-aralan ng SolGen ang kaso para sa posibleng pagsasampa ng petition for certiorari sa Court of Appeals.


Naniniwala si Fadullon na may grave abuse sa panig ni Judge Soriano nang resulbahin nito ang mosyon ng DOJ kaugnay ng binuhay na kasong kudeta laban kay Trillanes sa bisa ng proclamation number 572 na nagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.

Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi lang ang paghahain ng petition for certiorari ang legal option ng DOJ.

Facebook Comments