KUDETA | Resoluyon laban kay Trillanes, posibleng ilabas sa Lunes

Kinumpirma ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 na posibleng maglabas na sila ng resolusyon sa Lunes, October 22 kaugnay sa kasong kudeta laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay kaugnay sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na patawan ng warrant of arrest at Hold Departure Order (HDO) ang senador matapos mapawalang bisa ang kanyang amnestiya sa bisa ng Proclamation No. 572.

Nauna nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde na sa Kampo Krame sasalang sa booking procedures si Trillanes sa oras na pumabor ang desisyon sa hiling ng DOJ.


Facebook Comments