KULANG SA PANSIN? | Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, iginiit na nagpapapansin lang si Sen. Antonio Trillanes IV

56

Davao, Philippines – Naniniwala si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na ginagamit lang ni Senador Antonio Trillanes ang kanyang pamilya para magpapansin sa publiko.

Ayon kay Mayor Duterte, ayaw na sana niyang patulan ang mga patutsada sa kanya ni Trillanes.

Pero hindi aniya niya matiis ang paratang ng senador na nagda-drama lamang siya para pagtakpan ang planong 2022 Presidential Elections.

Giit ni Sara, si Trillanes talaga ang may balak tumakbo 2019 bilang kongresista.

Hinamon din ni Mayor Duterte si Trillanes na sagutin ang mga pahayag niya.

Muling nilinaw ng alkalde na hindi pa malinaw ang kanyang political plans para sa 2019 at 2022.

Facebook Comments