KULONG | 4 na pulis-Muntinlupa, kalaboso matapos mangikil

136

Muntinlupa – Kalaboso ang apat na pulis-Muntinlupa matapos arestuhin sa mismong presinto na kanilang pinapasukan dahil sa pangingikil.

Nakilala ang mga pulis na sina PO2 Farvy Dela Cruz, PO1 Jon-Jon Averion, PO3 Romeo Par, at SPO1 Psylo Joe Jimenez, na mga miyembro ng intelligence at drug enforcement unit ng Muntinlupa police.

Ayon sa babaeng alyas “Madam,” nangikil daw ang mga pulis ng aabot sa P300,000 makaraang mahulihan siya ng ilegal na droga.

Agad na pinuntahan ng Regional Special Operations Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang headquarters ng Muntinlupa City Police Station kung saan tinangka pa ng mga apat na pulis na tumakas pero nakorner at nasakote din sila.

Galit na galit naman si NCRPO Chief Guillermo Eleazar sa apat na pulis kaya at siya na mismo ang nagpasok sa mga ito sa loob ng kulungan.

Facebook Comments