KULONG! | Anim na lalaki kabilang ang isang pulis, timbog sa ikinasang buy bust operation

15

Manila, Philippines – Timbog ang anim na lalaki kabilang ang isang dating pulis sa ikinasang buy bust operation sa Payatas-A, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Noel Austria, Miguel Yudico, Joel Recto, Yander Cagata, Raymond Yumul at ang dating pulis na si Alfredo Espinosa.

Nakabili Ng P500.00 na halaga ng shabu ang isang pulis kay Noel na siyang target sa operasyon.

Bukod sa kanya, dinampot din ang limang lalaki kabilang ang dating pulis na naabutang nagsusugal ng “cara y cruz’ habang gumagamit ng shabu.

Narekober ng mga otoridad ang 12 na pakete ng shabu, drug paraphernalias, buy bust money maging ang pera na ginagamit bilang pangtaya sa sugal.

Facebook Comments