KULONG! | Dalawang lalaki, arestado matapos manghalay ng isang menor de edad sa Maguindanao

7

Maguindanao – Kalaboso ang dalawang lalaki matapos na manghalay ng isang menor de edad na babae sa Parang, Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Dionisio Pis-An, 75-anyos at Raymundo Quitor, 48-anyos.

Ayon sa 14-anyos na biktimang si alyas Lenlen, nagsimula ang panggagahasa sa kanya ng dalawang suspek noong Disyembre kung saan ang pinakahuli rito ay noong June 7.

Aniya, pinagbabantaan siyang may mangyayaring masama sa kaniya kapag nagsumbong siya.

Pero hindi na nito natiis ang panghahalay ng mga suspek na kaniyang kapitbahay kaya at naglakas ng loob na magsumbong sa mga pulis.

Facebook Comments