KULONG | Dalawang lalaki, arestado sa iligal na droga sa Quezon City

6

Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang lalaki sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Pasong tamo.

Nadakip ang target sa operasyon na si Russel Ferraro habang nahuli din ang kasabwat nito na si Gary Baking.

Sa ulat, ikinasa ng mga otoridad ang buy bust operation sa bahay ng suspek na si Ferraro sa Luzon Avenue at matapos maiabot sa undercover agent ang binibiling droga na nagkakahakaga ng P13,000.00 ay dito na ito inaresto.

Aabot naman sa 160 gramo ng shabu ang narekober sa dalawang suspek na nagkakahalaga ng P800,000.00.

Facebook Comments