KULONG! | Isang holdaper, arestado sa Antipolo City

6

Antipolo City – Kalaboso ang isang holdaper matapos na mambiktima ng isang lalaki sa Barangay San Luis, Antipolo City.

Sa ulat, tinutukan ng kutsilyo at pinagbantaang papatayin ng suspek na si Florendo Mojica ang biktimang si Jessel Tagalog kapag hindi nito ibinigay ang pera at cellphone.

Agad naman inabot ng biktima ang pera at cellphone kung saan pinakawalan na siya ng suspek.

Kampanteng naglakad ang suspek papalayo pero mabilis na nakahingi ng tulong ang biktima kaya at nakorner ng mga tambay at tanod ang suspek na si Mojica.

Nabawi sa kaniya ang cellphone, pera at maging ang kutsilyong ginamit sa pangho-holdap sa biktimang si Tagalog.

Inamin ng suspek ang krimen at sinabing nagawa lamang niya ito dahil sa gipit sa pera.

Facebook Comments