KULONG | Lalaki, arestado matapos magwala sa Caloocan City

27

Caloocan City – Arestado ang isang lalaki matapos magwala kung saan nahulihan pa siya ng droga at baril sa Waling-Waling Street, Pangarap Village, Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Roderick Lim, 43-anyos, residente ng Barangay 181 at kilalang drug user sa lugar.

Nakatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa nagwawalang lalaki sa barangay na may dalang homemade shot gun o sumpak.

Maliban sa baril at bala, nakuha rin mula sa suspek ang isang sling bag na naglalaman ng kutsilyo at isang sachet ng shabu.

Aminado ang suspek na sa kaniya ang shabu pero tikom naman ang bibig nito nang tanungin kung saan niya ito nabili.

Facebook Comments