KULONG | Lalaki, arestado sa iligal na droga sa Taguig City

8

Taguig City – Timbog ang isang 26-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng iligal na droga sa Barangay San Miguel, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Florence Lobreno, walang trabaho at residente sa nabanggit na barangay.

Ayon kay PO1 Aaron Dicang ng Intelligence Section, nagsasagawa sila ng anti-crimanity operation ng matyempuhan ang suspek na meron dalang iligal na droga.

Narekober mula sa kaniya ang isang pakete ng shabu kung saan aminado naman ang suspek na gumagamit siya ng iligal na droga pero iginiit na hindi siya nagbebenta nito.

Facebook Comments