KULONG! | Lalaki, huli matapos ireklamo ng pananakit at tangkang panghahalay sa Valenzuela City

Valenzuela City – Kalaboso ang isang lalaki matapos ireklamo ng pananakit at tangkaing panghahalay sa nakainuman nitong babae sa Valenzuela City.

Nakilala ang nadakip na si Paul Andrie Poral na inireklamo ng 18-anyos na grade 11 student na si alyas Lorna.

Sa ulat, niyaya ng suspek ang biktima sa pinapasukan nitong trabaho sa isang e-cigarette shop para mag-inom.


Nang malasing ang biktima ay dito na siya tinangkang halayin ng suspek pero pumalag ito kaya siya pinagsasampal saka sinabutan at pinagtabuyan palabas ng shop.

Nang papalabas na ng gate ang dalaga, sinundan siya ng suspek at hinablot ang buhok saka muling kinaladkad pabalik sa loob ng shop.

Nakatakbo pa din ang biktima hanggang makahingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Facebook Comments