KULONG! | Most wanted person sa Region 3, arestado

10

Bataan – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang most wanted person sa Region 3.

Kinilala itong si Juanito Carabeo alyas Toktok, 62 anyos, residente ng Sitio Sun Shine, Barangay San Juan, Samal, Bataan.

Si Carabeo ay kilalang active member ng CPP-NPA at assistant secretary ng regional medical staff Central Luzon Regional Committee (CLRC) at most wanted persons sa Region 3.

Ayon kay PNP Region 3, Regional Director Police Chief Superintendent Amador Corpuz, inaresto si Carabeo sa bisa ng warrant of arrest dahil sa mga kasong murder arson at rebellion.

Sa ngayon nasa kustodiya na ito ng Samal Municipal Police Station.

Facebook Comments