KULONG! | Suspek sa large-scale swindling, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Natimbog ng NBI ang suspek sa kasong large-scale swindling o estafa sa Sta. Cruz Maynila.

Inaresto ng mga ahente ng NBI-Anti-Graft Division ang suspek na si Bernadette Bernabe Badinas sa isang mall sa Sta. Cruz.

Inaresto si Badinas base sa reklamo ng dalawang naging biktima nito kabilang na ang isang alyas Madrid.


Ayon kay Madrid, March 2018 nang imbitahan siya ng suspek na maglagak ng puhunan sa kanyang financing business at pinangakuang kikita ng hindi bababa sa 10-porsyentong interest kada buwan.

Nagdeposito naman ang biktima sa iba’t-ibang bank account ng suspek ng halagang P800,000.

Noong una, natanggap ang biktima ng interest ng kanyang idiniposito sa unang bangko.

Pero ang inaasahang P45,000 at P85,000 na interest sa dalawang iba pang bangko ay tumalbog na ang natanggap niyang tseke.

Facebook Comments